Wednesday, May 4, 2016

What/Who is kupong kupong?


Ano nga ba ang kupong kupong?
Kailan mismo ang panahon pa ni kupong kupong?
Kapag may mga bagay na matagal ng naganap, o naimbento noong una pa, madalas binabanggit natin na "panahon pa yan ni kupong kupong". Ngunit kailan nga kaya yung kupong kupong na yun.

Sisimulan ko ang aking pagsusula sa pagpapakilala sa aking sarili. Ako nga pala si kupong kupong. Hindi ko matandaan kung ilang taon na dahil katulad ng dalagang may kwalipikasyon sa paghanap ng iniirog katulad na lamang ng ayaw niyang mas matanda ang lalaki sa kanya miski isang araw o isang segundo ay ganun din ang hindi ko pagkakatanda sa aking edad.

Ako ba ay babae o lalaki? Sa tingin ko hindi na mahalaga kung ako ay babae o lalaki. Parang pag ibig(pasensya na wala kayong makikitang hyphen/dash sa mga sulat ko sapagkat sira ang key sa lumang desktop ko) wala itong pinipili kung babae man o lalaki ang importante nagmamahalan at nagkakasundo ngunit bago pa man ako awayin ng mga hindi panatiko sa usaping yan ay mabalik na tayo sa pagpapakilala ko sa aking sarili.

Eto muna sa ngayon ang isusulat ko sapagkat sabi nga nila, hindi mo kailangang ibigay lahat sa unang pagdideyt ninyo ng sampung taon at kalahati  mo ng crush ang mga impormasyon at bagay bagay na gusto nyang makuha sayo. Hayaan mo naman syang pagpawisan ng malalapot sa kakaisip kung may pag asa ka ba sa kanya. Kung maibabalik ba ng matamis mong oo ang pinang utang nya sa mga deyt nyo sa Luneta Park at Intramuros. Kung makakaya ba niyang humarap sa tatay mong malayo ka pa lang ay magkasalubong na ang mga kilay dahil may kasama kang pag uwi na animo'y nagtanan ka na ay bakit ka pa nagpakita o dili kaya'y ng nanay mo na kinikilig sa likuran ng tatay mo dahil nagugunita niya ang mga pangyayari noong sya mismo ay itanan ng tatay mo. Kung mabibigyan ka ba nya ng singsing na pinapangarap ng isang babae. Hindi man ito mamahalin ang halaga , hindi makinang at maraming patong patong na brilyante ngunit singsing na bilog na kasya sa palasingsingan mo. At ang panghuli, makakaya ba niyang magtanim ng halaman na matagal mo ng inaasam at pinapangarap. Halaman na magbibigay ng sigla at lakas sa buhay ninyong dalawa.
                                                                                                                                        kupong kupong